It has been the fifth day since I left
Puerto Princesa City with a heavy heart. How I wish I could stay longer.
Falling in love with the city is one of the good things I felt for all these
travel escapades I have been doing in the past couple of months. In this
regard, allow me to express something through the language of my heart that is
Filipino.
Ang terminong walang pagsidlan ng tuwa ay
isang pagtitipid ng pahayag. Oo at nag-uumapaw ang aking saya at pagtangi sa nag-iisang lungsod sa
Palawan subalit ang totoo, ang saya at pagtanging ito ay hindi maipahahayag ng mga salita. Sa aking palagay,
kailangan mo itong sadyain nang malaman mo ang ibig kong sabihin.
Dumating ako nang walang kakilala roon maliban sa ilang taong nakausap ko
online sa pamamagitan ng proyektong Couchsurfing, isang website
na layong maipagniig ang mga manlalakbay sa iba’t ibang sulok ng mundo. Iyon ang una kong subok na gamitin ang pagkakataong makituloy nang libre sa isang hindi ko kakilala bagaman Disyembre
pa nang nakaraang taon nang ako’y nag-sign up sa website na ito.
Kung tutuusin,
estranghero ako sa bayang iyon subalit sa mga unang pagtapak ko pa lang dito ay
kaibigan na ang turing ng mga taosa akin. Hindi pa man nagsisimula ang aking paglilibot,
ginagabayan na ako ng mga bago kong kaibigan para sa mga dapat kong gawin at
puntahan sa pinakamalinis na lungsod sa bansa.
The City in a Forest – Ito
ang taguri sa makakalikasang lungsod ng Puerto Princesa. Kaya nga naman,
una sa aking listahan ang dalawa sa pinakabantog nilang atraksyon: Ang pamamangka sa Puerto
Princesa Underground River at ang paglundag sa mga isla ng Honda Bay. Ang dalawang ito
ay lubos kong ikinatuwa. Aaminin kong may
mga pagkakataong sa sobrang ganda ng aking nakikita ay halos maluha ako sa mangha.
Subalit ang mga ito ay wala pa sa kalingkingan. Sinasabi nilang marami pang mas
maganda sa Palawan higit sa Puerto Princesa. Sabi ko sa kanila, kung dito ay
natuwa ako, sana hindi ako atakihin sa pusosaiba pang makikitakosaibangmga pueblo
sa hinaharap.
Oomanghang-manghaako, isang Manilenyo, sa kakaibang hulma ng Diyos sa kalikasan na nahahayag sa marikit na bayang iyon.
Subalit higit sa mga atraksyong panturista, hindi ako halos
makapaniwala sa pagkabukas-palad at pagkapalakaibigan ng mga lokal doon.
Bukod sa libreng matutuluyan, ibinigay ng
may-ari ng bahay ang kanyang panahon upang masamahan ako sa paglibot sa magagandang pasyalan sa lungsod gayundin sa pagkain ng pinakamasasarap na kainan. Nakipagkuwentuhan siya hanggang madaling araw sa kabila ng maagang pasok kinabukasan. May
iba pa akong mga naging kaibigan sa pamamagitan din ng website
na sumama sa aming mga gimik. Ang isa’y manggagamot na dumederetso pa sa aming hapunan pagkatapos ng kanyang trabaho
at ang isa ay hotelier na siyang tumulong sa aking pagpapareserba ng tour na may
diskwento pa!
Maliban sa di-maitatangging gandang
Underground River at Honda Bay, maraming bagayang tumatak sa akin
sa loob ng apat na araw na paglilibot ko roon. Hindi
sasapat ang isang paskil para maihayag ang lahat ng ito.Subalit ang habambuhay kong magugunita
ay ang huli kong paglalakad nung huling araw ko sa lungsod. Ito ay sa Mitra Road sa distrito ng Sicsican.
Habang binubusog ng magagandang tanawin ang aking mga mata sa kalsadang iyon,
hindi ko napigilan ang mapaluha sa pasasalamat. Bagaman madalas kong gawin ang paglilibot
mag-isa, hindi ko maikakailang sa mga paglalakad na iyon higit kong nakakausap ang Maylikha.
Sa kaabalahan ng Kalakhang Maynila, mahirap nang pilitin ang sariling manahimik at
magmuni sa kung ano ang ibig ipadama ng Diyos sa atin. Mahirap ang buhay na walang panahon para sa katahimikan.
Nakababaliw. Napakabuti ng Diyos sa akin sa pagbibigay Niya ng pagkakataong makapaglakbay ako sa kabilang limitadong panahon at salapi. Subalit higit
pa sa pagkakataon,
ang lakas ng loob na kahit paano’y subukang lakbayin ang Pilipinas ang aking ipinagpapasalamat.
Maraming tao ang mas may kakayahang maglibot. Subalit iilan lang ang napupuspusan ng tiwala sa sarili na kayang kaya pala gawin ang lahat ng ito
kung gugustuhin.
Hangad kong marating mo ang Puerto Princesa.
Siyangapala, humigit kumulang limang libong piso lamang ang lahat ng aking nagasta sa apat na araw na pananatili ko doon.
Kasama na rito ang lahat ng pamasahe. Ang detalye nito sa mga susunod na artikulo.